And we promised to each other that we will come back. 🌷

And we promised to each other that we will come back. 🌷


Birthday surprise from my boyfriend! 🌻


Roadtrip with my love. 🌸


Enchanted Kingdom with my love. 💕

Enchanting Surprise!

September 12, 2014, the best day of my life so far. My boyfriend surprised me, pumunta kami ng Enchanted Kingdom ng hindi ko namamalayan. Never pa kasi ako nakapunta ng Enchanted Kingdom before. Mas nauna pa ang pag-visit ko sa Hong Kong Disneyland. Last July lang din ako nakapunta ng Star City, a surprise also made by my loving boyfriend.

I kept asking my boyfriend kung saan kami pupunta kahapon pero ayaw talagang sabihin sa akin. He just kept on reminding me to bring two extra t-shirts and one extra short. Eto pa dapat shorts ang suot ko, eh hindi nga ako mahilig magsuot ng shorts. Mas comfortable ako sa leggings pero hindi ako nakapalag, super kinulit ako na mag-shorts daw ako. Edi ayun, no choice, nag-shorts ako. Earlier that day, pumunta ako ng Puregold para mamili ng mga baon kasi feeling ko talaga out-of-town yung pupuntahan namin, kasi kung mall lang naman, hindi na nya ako pagdadalhin ng extra clothes. I also made tuna-egg sandwhich, which is his favorite.

Nung sinundo na nya ako, nagulat ako bakit yung Revo yung dala nyang sasakyan kasi usually kapag umaalis kami yung Sentra yung gamit namin. Edi kinulit ko na naman sya about sa pupuntahan namin, ayaw talaga sabihin. Syempre tampu-tampuhan ako, nilalambing nya ako pero hindi ko sya pinapansin. (Ang arte ko talaga, wtf.) What made me smile at that moment was nung pag-open ko nung compartment para isaksak sa usb yung iPhone, bumungad sakin yung matagal ko ng kinukulit sa kanya na bubble gum with tattoos! Super napatawa talaga ako sa kanya kasi super ang tagal na ng request ko na yun sa kanya, ngayon lang pala sya nakahanap ng tindahan na may nagbebenta nun. A+ for effort! :-)

Edi nagroadtrip na kami, daan daan sa SLEX and everything… Iniisip ko baka mag-Tagaytay kami or what nito, wala kasi akong alam sa daan kaya super clueless ako na sa Laguna pala kami pupunta. Pinakuha sa akin ni Miguel yung panyo nya, sabi nya itupi ko daw na pa-triangle, yung ginagawang tupi kapag itatakip sa mata. Nag-stop sya para magtanong sa mga tambay, habang tinitingnan ko sya na nag-aask parang nagtatawanan sila nung mga tambay, parang pinipigilan ni Miguel yung mga tambay na sumenyas kaya nung pagbalik nya sa kotse, I asked him kung kilala ba nya yung mga tambay, sabi nya, “Oo. Tropa ko yung mga yun, may mga pinapatay na ako sa kanila.” What an answer diba. Ganyan talaga sya always sa akin. Lakas mang-trip. Tapos yung tinupi ko na panyo nya pinapalagay nya sa mata ko, syempre nasa isip ko hala bakit, ano meron, pero syempre hindi naman nya ako sasagutin ng matino kaya sinunod ko na lang at tinakpan ko yung mata ko. Pagtanggal ko nung takip sa mata ko, bumungad sa akin ang “Welcome To Enchanted Kingdom” ANG SAYA LANG!!!

Hinalikan ko kaagad si Miguel ng super ultimate baboy kiss ko! Super saya at unexpected talaga. Halong kilig at kaba. Super saya ko talaga, overflowing joy! :-)

If I’m not mistaken, naka-anim na rides ata kami? Ang pinaka-ayoko talaga yung sa barko or Vikings ata ang tawag dun? Ayoko na talaga dun, hindi ko na uulitin yun. Oa man, pero talaga napaluha ako dun, mas pipiliin ko pa Space Shuttle kesa dun sa barko na yun. Hindi keri ng kaluluwa ko yung ganung feeling. Huhu. At syempre yung Space Shuttle. Parehong first time namin ni Miguel na sasakay sa Space Shuttle, sa totoo lang siguro mga 1 hour ako pinilit ni Miguel bago ako mapapayag na sumakay sa Space Shuttle. Grabe ang taas! Sobrang nakakalula kung iisipin mo, ibang klaseng kaba at takot yung naramdaman ko habang iniisip na sasakay ako sa Space Shuttle. Iba’t ibang klaseng bribery na nga sinabi ko kay Miguel wag lang masakyan yung Space Shuttle eh, pero hindi umubra, ayoko kasi madisappoint ang papa Migs ko kaya pinagbigyan ko na. Nakakatawa kasi nung nakasakay na kami sa Space Shuttle (hindi pa umaandar) parang gusto na mag back-out ni Miguel, bumabaliktad na raw sikmura nya. Ang gay lang. Nung umandar na yung Space Shuttle grabe na yung sigawan nung mga tao, grabe sobrang taas talaga. Matatanaw mo buong Enchanted Kingdom kapag nasa taas ka na. Pero ang saya sa feeling after, katulad nga ng sabi ko kay Miguel, after nitong Space Shuttle na ‘to pwede na ako makipagsuntukan sa kalye. Ibang klase eh. Ibang adrenalin rush ang binigay samin dalawa. Super nanginginig yung kamay naming dalawa. After nun foodtrip na kaming dalawa, gutom eh. Ang pinaka-last ride namin was yung Rio Grande. Super saya at nakakatawa!! Basang basa kaming dalawa. Gusto ko sana ulitin pa kaso magsasarado na yung Enchanted Kingdom. Kalungkot.

Ibang klase talaga yung experience sa Enchanted Kingdom compare sa experience ko sa Star City. Pero both masaya lalo na kasama ko ang pinakamamahal kong lalaki sa buong universe.

❝I can’t think of anything but nights with you.❞
– Zelda Fitzgerald to Scott Fitzgerald